COLLEGIATE STANDOUTS, TAMPOK SA ANNUAL PRESS CORPS AWARDS


GAYA ng nakagawian, muling kikilalanin at bibigyan ng kaukulang parangal ang collegiate standouts ng katatapos na season sa darating na 2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards na inihahatid ng SportsVision.
Magaganap ang annual awards night ng Collegiate Press Corps na binubuo ng mga sports scribes mula sa print at online outfits na kumokober ng NCAA at UAAP sa Lunes-Mayo 27 sa Amelie Hotel Manila sa Malate, Manila.
Kabilang sa pararangalan ang mga kampeon ng men’s basketball tournaments na San Beda University sa NCAA at Ateneo de Manila University sa UAAP.
Bukod sa mga kampeon, pagkakalooban din ng mga special awards ang breakout performers. Nagwagi sa nakaraang NCAA Season 94 ang Red Lions ng kanilang 3rd straight title at kanilang ika-11 sa loob ng 13 taon sa pamumuno ng PBA stars na sina Robert Bolick at Javee Mocon.
Sa UAAP naman, nakopo ng Blue Eagles ang ikalawang dikit na titulo sa pangunguna ni Thirdy Ravena. (VA)





Comments