top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Buntis sa pangalawang anak

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Neth ng Neth_Neth@facebook. com

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng panaginip ko na bun­tis daw ako sa panga­lawa kong anak? Ang tatay daw nu’ng baby ay ‘yung ex-husband ko.

Maaliwalas daw ang mukha ng baby, ang puti-puti at ang taba-taba. ‘Yun nga lang, medyo nag-aanlinla­ngan ‘yung ex-husband ko kung anak niya ‘yung bata. Pero, nu’ng huli naniwala rin siya.

Ano ang ibig sabihin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Neth

Sa iyo Neth,

Kitang-kita na gusto mong masundan ang iyong first baby. Hindi mo man ito aminin, ito ang nasasalamin sa iyong ka­looban.

Sa ngayon, da­hil ma­hirap ang buhay, hindi inirerekomdna na sundan mo kaagad ang iyong anak, sa halip, ang payo ay dapat may es­pasyo o ilang taon muna bago sundan ang mga anak.

Hindi mo nabanggit kung may bago kang asa­wa kasi ‘yung sinabi mo ay ex-husband mo.

Kaya kung ngayon ay may ba­gong asawa ka na, ang panaginip mo ay nag­sa­sabing, magkaka­anak kayo ng bago mong asa­wa.

Kung nagkataong wala kang bagong asawa, ang sabi ng panaginip ay hu­wag mong kokontakin ang ex-husband mo dahil muling magiging kayo at makakabuo kayo ng ba­gong baby.

Kung nagkataong wa­lang posibilidad na per­onal kayong magkita ng iyong ex-husband, ang sabi ng panaginip ay mai-in love ka sa lalaking ang mga katangian ay tulad ng mga katangian ng ex-husband mo kung saan magtatalik kayo at mag­kaka-baby.

Ang mga panaginip, iha, ay hindi mga hula da­hil ito ay mga babala. Ang tunay na hula ay magka­ka­totoo sa gusto o ayaw ng hinulaan, pero kapag ito ay pinakinggan, nakai­iwas sa mga pangyaya­ring hindi gusto ang bina­laan.

Sa ganitong katotoha­nan, masasabing hawak mo ngayon ang iyong ka­palaran, kumbaga, kung ano ang magiging pasya mo, ‘yun ang mapasasa­iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page