Bebot na natatakot makipagkita sa lalaking nakilala sa dating APP
- ROMA AMOR
- May 23, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Geraldine, 29 years old. Dati akong taga-Bataan, pero ngayon ay nandito na ako sa Maynila dahil kinuha ako ng tiyahin ko para maging kahera sa business niya. Sa ngayon, gumagamit ako ng dating application para makatagpo ng lalaking makakasama ko, habambuhay. Sa katunayan, marami na akong naka-chat at nakilala, pero may lalaki ngang gusto makipagkita sa akin, kaya lang natatakot ako. Ano sa tingin ninyo, dapat ba akong makipagkita? — Geraldine
Geraldine,
Alam mo, sis, sa totoo lang walang masama sa paggamit ng mga dating application, pero dapat aware tayo sa consequences nito. Siguro naman hindi lingid sa kaalaman mo na marami na ang napahamak sa paggamit nito, pero mayroon din namang sinuwerte. Sa totoo lang, nasa sa iyo ang desisyon, kung sa tingin mo, eh, katiwatiwala ang lalaking nakakausap mo, puwede, pero kung naghihinala ka, mainam na magsama ka ng kaibigan o kamag-anak para masiguro mong walang mangyayaring masama sa iyo. Good luck!
Comments