Bangka lumubog, 8 patay
PATAY ang walo katao habang marami pa ang nawawala matapos lumubog ang bangka sa Lake Albert sa Uganda.
Ayon kay Ugandan Police Spokesman Fred Enanga, nailigtas ng rescuers ang 30 katao.
Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay miyembro ng local soccer club.
Posible pa umanong tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil karamihan sa mga ito ay walang suot na life jacket.
Noong 2016, 30 miyembro ng football team at kanilang fans ang nasawi matapos lumubog ang kanilang bangka sa border ng Uganda at Democratic Republic of Congo.





Comments