SSS members na taga-Porac, Pampanga, puwedeng mag-avail ng CLAP
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Matatandaang, niyanig ng Magnitude 6.1 ang Porac, Pampanga at halos buong bayan nito ang naapektuhan. Maraming establisimyento at kabahayan ang nasira at mayroon ding mga nabawian ng buhay. Kaya naman, ipinaaalam ng Social Security System (SSS) na maaaring mag-avail ang mga miyembro at pensiyunado na taga-Porac, Pampanga ng Calamity Assistance Package (CAP) para sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, kasama sa Resolution No. 284-s.2019 ang pag-approve sa assistance program ng mga miyembro at pensioner na residente ng Porac, Pampanga na naapektuhan ng earthquake.
Sa assistance package, ang qualified member ay maaaring mag-avail ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP), three-month advance pension at Direct House Repair and Improvement Loan.
Ang qualified lamang ay ang mga miyembrong may home address o property sa Porac, Pampanga dahil ito lamang ang area na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na under state of calamity.
Ang CLAP ay maaaring makapagpahiram ng kasinghalaga ng kanilang sahod at maaaring bayaran ng hanggang 2 taon na may pinakamababang annual interest na 10%. Ang mga late payment ay daragdagan ng 1% bilang penalty.
Ang commission ay hindi na rin maniningil ng service fee para sa loan program para matulungan ang mga miyembro nito. Maaaring makuha ang calamity checks within 10 working days sa SSS branch kung saan nagpasa ng application.
Para maging qualified sa loan, dapat may 36 months ng kontribusyon at ang 6 buwan dito ay kailangang bayad sa loob ng 12 buwan. Kahit saang branch ay maaaring makapagpasa ng kanilang application form kalakip ang barangay certification bilang patunay na kayo ay naninirahan sa Porac, Pampanga.
Ang CLAP ay iba sa salary loan ng SSS, kaya maaari pa ring magpasa ng application form ang may outstanding salary loan. Ngunit, kung ang miyembro ay may outstanding loans pa mula sa Loan Reconstructuring Program at CLAP ay hindi papayagang mag-apply.
Ang application period ng CLAP at three-month advance pension ay hanggang August 16, 2019 at ang Direct House Repair at Improvement Loan ay hanggang May 15, 2020.
Para sa iba pang katanungan, maaaring pumunta sa pinakamalapit na SSS branch o tumawag sa kanilang SSS Call Center hotline sa 920-6446 to 55 o mag-email sa member_relations@sss.gov.ph. Ang application forms ay maaaring ma-download sa official website ng SSS sa www.sss.gov.ph.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments