top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SINO ANG PAPASOK SA SEAG SLOTS PARA SA PASPASANG AHEDRES?

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • May 22, 2019
  • 2 min read

MAGSISIMULA na sa Mayo 24 sa Passi, Iloilo ang semifinals ng bakba­kan para sa SEA Games slots ng pambansang ko­ponan at tatlumpung di­sipulo ng paspasang ahed­­res ang kabilang rito.

Nasa unahan ng pu­lutong si National Master David Elorta na naka­akyat sa trono ng Eugene Torre Cup Rapid Chess Tournament sa Intra­muros, Maynila matapos itong makakulekta ng walong puntos mula sa pitong panalo at dala­wang tabla.

Bagamat dalawang iba pang woodpushers ay mayroon ding gani­tong kartada, ang 36-anyos na pambato ng San Andres, Maynila, na may rating na 2384, ang itinanghal na kampeon dahil sa superior tiebreak points.

Kasama sa mga na­hugutan niya ng puntos sina Jerry Paul Nudalo, Cyrus Vladimir Francisco, Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy, Ro­mulo Curioso, Melito Oc­san Jr., John Merill Jacu­tina at Jose Aquino Jr. Nakakuha rin si Elorta ng tig-kalahating puntos mula kay International Master Daniel Quizon at IM Ronald Bancod.

Pumangalawa sa pa­lig­sahan si IM Ronald Dableo at IM Jan Em­ma­nuel Garcia.

Kamakailan, pinalagan ni Elorta ang bansag sa kanya ng mga eksperto bi­lang pre-tournament fa­vorite nang mangibabaw sa City of Ilagan Chess Festival Blitz sa Ilagan City Sports Complex ng Isabela.

Maangas na tiebreak output din ang naging tun­tungan niya para ma­kalayo kay Sherwin Tiu sa isang two-man logjam para sa unang puwesto ng naturang paligsahan.

Kasama sa mga umu­sad sa semis para sa SEAG qualifier bukod kina Elorta (na napaulat na hindi lalahok sa la­ba­nan sa Iloilo dahil sa isyu ng kakapusan ng pondo), Dableo at Garcia ay sina Tiu (7.5 pts.), IM Ricardo De Guzman (7.5 pts), GM Rogelio Antonio Jr. (7.0 pts.), CM John Merill Jacutina (7.0 pts), WGM Janelle Mae Frayna (7.0 pts.), Jose Aquino Jr. (7.0 pts.), Don Tyrone delos Santos (7.0 pts.), Christian Mark Daluz (7.0 pts.), Vince Angelo Medina (7.0 pts.) at Melito Ocsan Jr. (7.0 pts.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page