Next BF, magiging asawa na raw… SIGAW NI ARA MINA: CONSERVATIVE AKO!


NAKAUSAP namin si Ara Mina after ng presscon ng movie at kinumusta namin ang love life niya.
May dalawa raw siyang matiyagang suitors ngayon at nasa “dating stage” siya, pero wala pang sinasagot sa mga ito. Parehong non-showbiz ang dalawang guys at hindi rin pulitiko. Ayaw na raw niya sa taga-showbiz dahil mas tahimik at ‘di maintriga ang non-showbiz.
Ang hanap daw niyang next BF ay… “Siyempre, ‘yung responsible, maiintindihan ang work mo at ‘di na ‘yung nakakasakal na relationship.”
Sey pa ni Ara, gusto niya, ‘yung magiging next boyfriend niya ay ‘yun na talaga ang pakakasalan niya at makakasama niya habambuhay. Kaya wala pa raw siyang ipinakikilala sa kanyang anak na babae dahil ayaw naman niya ‘yung mako-confuse ang bata kung bakit paiba-iba ang lalaking ipinakikilala niya.
“Nagkaroon na ako ng sexy image, pero in real life, may pagka-conservative pa rin ako. Hindi naman sa dalagang Pilipina pero ngayong nagkaanak na ako, iba na ang priority ko,” sey pa ni Ara.





Comments