Huawei wala nang access sa Android at Google.
DAHIL sa patuloy na kinasasangkutang kontrobersiya ng pang-eespiya, inalisan ng access ang Huawei sa Google at Android.
Ito ay matapos magdesisyon ang administrasyon ni US President Donald Trump na i-ban ang Huawei sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Google, hindi na magkakaroon ng access ang Huawei smartphones sa propriety apps at mga serbisyong pag-aari ng Google.
Ang maa-access lamang ng Huawei ay ang public version ng Android.
Ipinaliwanag ng Google na sumusunod lamang sila sa kautusan.
Ang utos na tinutukoy ng Google ay ang pasya ng US Commerce Department na naglalagay sa Huawei sa “entity list” o listahan ng kumpanya na hindi papayagang bumili ng teknolohiya mula sa US companies nang walang approval ng gobyerno.
Dahil sa pasya ng Google, ang Huawei ay hindi na puwedeng gumamit ng Android Open Source Project (AOSP).





Comments