top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | Mayo 22, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 22, 2019 (Miyerkules): Malakas ang iyong pandama. Hindi pa man nagsasalita ang iyong kaharap ay nababasa at nalalaman mo na ang kanyang motibo kung mabuti o masama ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon. Sinasabing, ang tao ay mahina kapag siya ay tinatalo ng kanyang emosyon. Ayaw mo ba na mahina ka? Kung oo, dapat kontrolin mo ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Namumuo sa iyong puso ang hindi mo maipaliwanag na lungkot. Labanan mo ito kung saan makinig ka sa mga masasayang musika at puwede ka ring makipagkuwentuhan sa mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-24-28-30-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Nagtatalo ang isip at puso mo. Sino kaya ang mananaig? Eh, sino pa, tulad ng dati, puso mo ang iyong susundin, pero sa huli ay pakikinggan mo rin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-20-24-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Hindi makapoporma ang mga naiinggit sa iyo. Masingitan ka man, balewala lang ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-28-30-33-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapansin ng ilan na nagiging negatibo ka. Makabubuting balik-balikan mo ang iyong mga nakaraang tagumpay kung kailan ang malalaking hamon ng iyong kapalaran ay tinalo mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mayroong nag-aakala na maiisahan ka niya, pero ang mangyayari, siya ang iyong maiisahan. Gayunman, masaya pa rin siya dahil ang totoo, kapag masaya ka, siya rin ay masaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-21-28-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapalad ang nagbibigay. Ito ay magkakatotoo sa iyo ngayon. Sa pagiging mapagbigay, bibigyan ka ng kakaibang regalo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-25-34-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusang mawawala na parang madidilim na mga ulap na natunaw ang mga alalahahin mo. Kaya muling lalabas tulad ng sikat ng Haring Araw ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-20-28-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya ang nakatutulong, pero sobrang nakaiinis kapag ang tinulungan ay nakalimutan ang taong tumulong sa kanya. Sa kasamaang-palad, mangyayari ito sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-25-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang iyong takot. Totoo ang sabi na ang takot ay nasa isip lang kaya ito ay madaling talunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-19-24-29-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng buhay, dadalhin ka nito kung saan makahaharap mo ang iyong magagandang kapalaran. Muli, sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-25-26-41-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naghahanda ang langit ng napakalaking suwerte para sa iyo. Ihanda mo ang iyong sarili dahil ang mga negatibong pananaw ay iyong ibabasura. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-16-31-39-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page