top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ganu'n daw talaga, Joey… WINWYN, HAPPY SA PAGKATALO NG KUYA SA ELEKSIYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2019
  • 1 min read

BAGAMA'T ikinalungkot ni Win­wyn Marquez ang pagkatalo ng kan­yang kuyang si Jeremy Marquez na tumak­bong vice-mayor ng Parañaque sa katatapos lang na halalan, anang ak­tres ay maluwag naman daw nila itong tinanggap.

Siyempre, sad kami, lahat naman kami. Pero kung ‘yun talaga ang God’s will, sabi nga ng kuya ko, kai­la­ngang tanggapin,” pahayag ng isa sa cast ng GMA-7’s new drama series, ang Dahil sa Pag-ibig.

Hindi naman natin puwedeng kuwestiyunin kung ano ang nangyari, kasi nandiyan na rin naman ‘yun.

“I’m happy na positive ‘yung kapatid ko sa nangyari. Okay lang sa kanya. Let’s see kung babalik siya, kung ita-try niya ulit. Let’s see, ‘di ba? Wala namang masama. I’ll pray for him. I pray for everything else. At least, positive naman siya,” pahayag pa ni Winwyn.

Samantala, kasisimula lang sa ere ng serye niyang Dahil sa Pag-ibig last Monday at happy ang aktres that she’s given another challenging role bilang si Portia na mai-involve sa isang OFW na ginagam­panan ni Benjamin Alves.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page