top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

EXHILARATED VS. MORNING BREEZE

Ding Taboy
May 22, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

SA pagpapatuloy ng laban sa Condition Race at Maiden Race, inihahandog ang pitong karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong gabi.

Sa panimula ng Winner Take All sa Race 1, maglalaban ang 10 kabayo sa Condition Race (17) at pinapatok ang kalahok na Joem’s Gal at magsisilbing kalaban ang Money In My Pocket, Gee’s Star at Bet You Can Do It.

Sa Race 2, kung saan maglalaban ang pitong kalahok sa Condition Race (20), ay pinapaboran ang Modern Girl at makakalaban ang Peypaloc at Run Algieri Run na umpisa ng Pick 6 event. Binibigyan ng malaking panalo ang Seni Seviyorum sa Condition Race (22) sa mga kalaban na Ahala, Windy Star, Primero de Marzo at Nostradamus, kasabay ng Pick 5 event sa Race 3.

Ipinapatok ang Exhilarated sa Condition Race Merged (10) laban sa limang kalahok kabilang ang Morning Breeze, Sweet Dreams at Expecto Patronum sa Race 4 na umpisa ng Pick 4. Sa Race 5 ng Condition Race (15) maghaharap ang walong kalahok na pangungunahan ng Go On Eugene, Critical Moments, Yes All Wee Bet, Great Britain at Tunnel Vision.

Nakalalamang sa Race 6 sa 3 Year Old Maiden Race, ang kalahok na Samsing Royal sa mga kalaban na Flashy, I love Matty at Inggit Ka Lang. Magsisilbing paratingan sa WTA at Pick 6, 5 at 4 ang Case Bell, Shinshiro at Heart and Soul, isama rin ang Maker’s Mark at couple entry na Boston Strong at Olympic Gold sa Race 7.

Tip ni Mang Ding: Race 1- Goem’s Gal (2) Gee’s Star Race 2- Modern Girl (4) Peypaluc (2) Race 3- Seni Seviyorum (8) Ahala (1) Race 4- Exhilarated (4) Morning Breeze (3) Race 5- Go On Eugene (3) Critical Moments (2) Race 6- Samsing Royal (5) Ilove Matty (6) Inggit Ka Lang Race 7- Case Bell (11) Shinshiro (9).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page