Ex-GF na nakasuot ng itim
- BULGAR

- May 22, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nonoy ng Nonoy_ Embodo@facebook.com
Dear Professor, Napanaginipan ko ang ex-girlfriend ko, nakasuot siya ng itim na damit at short. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat! Naghihintay, Nonoy
Sa iyo Nonoy, Dito sa Pilipinas, sobrang dami ang ayaw na ayaw sa kulay na itim. Akala kasi nila ang kulay itim ay kulay ng kadiliman na kapag nagsuot sila ng kulay itim, didilim ang kanilang kapalaran.
Pero, alam mo, luma na ang ganu’ng paniniwala dahil sa pag-ikot ng mundo ngayon ay love na love na ng mga Pinoy ang kulay itim.
Dahil natuklasan nila na kapag pala naka-black ka, ang iyong kapalaran ay nasa todong-lakas, kumbaga, ang power mo ay “to the extreme.” Kaya ang ganda ay to the extreme rin na nakahahalina o nakaaakit.
Ang totoo nga, iho, ang mayayaman at ang mga angat sa buhay, lalo na sa hanay ng kababaihan kung tatanungin mo ang mga kakilala mo, aaminin nila sa iyo na sila ay may damit na kulay itim at hindi lang isa o dalawa kundi tatlo o higit pa.
Nakatutuwa na kapag nakakuwentuhan mo ang malalapit sa iyo na kababaihan, mayroon pa silang ibibisto sa iyo na sila rin ay may panties at bra na kulay itim din.
May isa pang higit na nakatutuwa na mahirap paniwalaan na kapag sila ay nalulungkot, nananamlay at pinaghaharian ng negatibong pananaw, aaminin din nila na sila ay humaharap sa salamin sa dingding at ang nakagugulat, kusa nilang masasabi na ang ganda-ganda nila kapag nakaitim sila.
Sa ganito, ang negatibong personalidad nila ay mapapalitan ng positibo.
Sisigla, sasaya at magkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili.
Kaya ang kulay itim ay ang tunay na susi para magkaroon ng very successful life bukod sa nasabing to the exterme ang beauty.
Kaya ang panaginip mo na naka-black ang ex-GF mo ay simpleng nagsasabi na “nabigo, nasaktan, umiyak at nagsuot ng itim, kaya ngayon ay sobrang sexy at very successful ang buhay”.
Alam mo, iho, ang nasabing katotohanan tungkol sa kulay itim ay hindi lamang para sa mga babae kundi applicable rin ito sa mga lalaki, kaya ang payo, magsuot ka rin ng kulay itim nang sa gayun, ang mga pakinabang na mula sa nasabing kulay ay mapasaiyo rin.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments