Date nila ni Jak para sa second anniv… BARBIE, 'DI MA-TAKE NA SUPER-MAHAL NG KINAIN SA RESTO, TO

Beth Gelena / BULGARY FILES

TWO years na ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Kamakailan ay nag-celebrate ang young couple ng kanilang second anniversary kung saan kumain sila sa isang restaurant.
Naaliw kami sa post ng Kapuso actress na nagreklamong ang mahal daw ng presyo sa restaurant na kanilang kinainan ni Jak.
Ipinost ni Barbie ang kanilang kinain sa House of Wagyu Stonegrill at nilagyan niya ito ng nakakalokang caption na: “O ganito, ha, una kang lumabas ng restaurant tapos kunware hahanapin kita tas derecho na sa sasakyan sabay alis.”
Dugtong pa ng Kara Mia actress, “Ang mahal dito, nakakaloka!”
Anyway, hindi lang siguro aware ang celebrity couple na mahal ang food sa restaurant na kanilang pinuntahan dahil sa sobrang excited para sa kanilang second anniversary.





Comments