Aktor, may iba raw kaya sila nagkahiwalay… BARBIE KAY JULIE ANNE: HINDI MO KAILANGAN NG LALAKI PARA
- BULGAR

- May 22, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

ANG mensahe ni Barbie Forteza sa kaibigang si Julie Anne San Jose sa special presentation ng 25th birthday ng huli sa Sunday PinaSaya ay hindi niya kailangan ng lalaki para maging masaya.
That time, nasa studio na ng SP si Benjamin Alves na ex-BF ni Julie Anne dahil nag-promote ito ng bago niyang seryeng Dahil sa Pag-ibig.
Kung sakaling napanood ni Benjamin ang segment na ‘yun, ano kaya ang kanyang reaction lalo’t may tsikang third party sa side niya ang rason ng breakup nila ni Julie Anne?
Samantala, wala munang love life si Julie Anne dahil magpo-focus siya sa kanyang career at sa sunud-sunod na concerts niya. Kabilang dito ang Julie Sings the Divas na gagawin sa The Theater at Solaire sa July 20, kung saan guest niya sina Arnel Pineda, UP Concert Chorus, UP Arco String Orchestra at ang musical director niya ay si Danny Tan. Si Louie Ignacio naman ang magiging stage director ng concert niya.
May kamahalan ang ticket, kaya nag-iipon na ang mga fans ng singer-actress.
Ipinost ni Regine Velasquez ang poster ng concert at nag-comment ng “Oh wow go chuli #JulieSingsDiva #July20” na sinagot ni Julie Anne ng “Thank you Ateeee!!!”
Naging close sina Regine at Julie noong nasa GMA-7 pa ang Asia’s Songbird at madalas magkasama sa mga shows, kaya kahit nasa ABS-CBN na ang singer, suportado pa rin niya si Julie.





Comments