Malinis na gobyerno, malinis na kapaligiran
- BULGAR

- May 21, 2019
- 1 min read

May mga naiproklama nang nanalo para sa lokal na posisyon.
Dahil dito, may ilan nang nagsimulang mag-anunsiyo ng kanilang plano para sa kani-kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito, hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga nanalong alkalde na gawing prayoridad ang istriktong implementasyon ng environmental laws.
Ito ay partikular sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Pinaalalahanan ng ahensiya ang mga lokal na opisyal na magkaroon ng sistematiko, komprehensibo at ecological na solid waste management program sa bansa.
Bukod pa rito, binanggit ng ahensiya ang implementasyon ng Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 at Republic Act 9275 o Philippine Clean Water of 2004.
Hindi umano sapat ang itatalagang task force para sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Kailangan pa rin ang buong kooperasyon ng mga Local Government Unit (LGU).
Para sa mga bagong naihalal, pag-isipan ninyong mabuti ang posibleng epekto ng pagpapatupad ng ganitong uri ng batas sa inyong nasasakupan.
Kasabay ng pagpapanatili ng malinis na gobyerno ay ang literal na kalinisan sa ating kapaligiran.





Comments