top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Laglagan is real! ERAP, TALO NA KAY ISKO, TINALIKURAN PA NG MGA KASAMA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2019
1 min read

BAGO pa nag-eleksiyon noong May 13, may mga netizens na ang nagsasabi na hindi na lulusot at mananalo si Joseph “Erap” Estrada. Hindi na raw niya matatapos ang kanyang 3rd term bilang mayor ng Manila.

May signos daw kasi si Erap sa No. 13. ‘Di ba’t siya ang naging 13th president ng Pilipinas? Pero, naalis siya sa Malacañang nang magkaroon ng People Power at humalili sa kanya si Gloria Maca­pagal-Arroyo.

At ang midterm election, natapat sa May 13, kaya hindi naghatid sa kanya ng suwerte. Tinalo siya ng dati niyang vice-mayor na si Isko Moreno.

Ang nakakalungkot lang, matapos siyang talunin ni Francisco Domagoso a.k.a. Isko ay kung anu-ano pang masasakit na panlalait mula sa mga detractors ni Erap ang lumutang.

Bihira ang mga nakisimpatya at may mga bumaligtad pa nga na dating nasa kampo ni Estrada.

Basta kami, kahit ano pa ang mangyari, malaki ang respeto namin sa dating pangulo-mayor na si Erap.

Nakilala na namin siya noon pang mayor siya ng San Juan hanggang maging senador at mahalal na pangulo. Para sa amin, si Joseph Estrada ang one and only BFF ni Fernando Poe, Jr..

Malaki ang naitulong sa maliliit na movie workers ng itinayo niyang MOWELFUND na nagbibigay ng medical at burial assistance sa mga miyembrong stuntmen, character actors, artista at press people.Naalala rin namin ang mga homeless squatters sa San Juan na binigyan niya ng bahay sa Erap City.

Marami namang nagawang mabuti si Erap, sa totoo lang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page