Ayon sa mga eksperto... RAMBUTAN, NAKAI-IMPROVE NG SPERM QUALITY!
- BULGAR

- May 21, 2019
- 1 min read

ANG rambutan o kilala rin bilang nephelium lappaceum ay exotic fruit na nagmula sa Southeast Asia. Gayunman, ito rin ay matatawag na “super fruit” dahil sa taglay nitong mga benepisyo na magugulat talaga kayo. Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, ang rambutan umano ay nakai-improve ng sperm quality. Woah!
Base sa nai-published sa medicaldaily.com sinasabing, ang rambutan umano ay nakadi-decrease ng unwanted fat dahil ito ay mataas sa fiber at water at mayroon itong low calorie count.
Gayunman, ito rin ay mayaman sa iron, ang nutrient na essential para sa body function. Gumagana ito sa pagta-transport ng oxygen mula sa lungs patungo sa iba’t ibang tissue at deficiency na nakaka-cause ng anemia.
Dagdag pa rito, dahil sa water content na mayroon ang rambutan, nakatutulong ito para ma-hydrate ang balat at gawin itong malambot.
Samantala, ang rambutan ay mayroong Vitamin C na mahalaga sa pag-develop ng sperm, kaya para sa kalalakihan na kulang sa reproductory abilities, alam n’yo na, ha?
Maliban pa rito, sa pag-aaral mula sa University of Chiang Mai mula Thailand, nai-report na ang rambutan ay mayroong antioxidants na flavonoids na nakadi-decrease ng cholesterol level at pinaniniwalaang mayroong anti-cancer properties.
Ngayong alam na natin ang mga benepisyong tinataglay ng rambutan, para sa mga nangangailangan, kumain kayo nito, okay? Be healthy all the time, mga beshy!




Comments