top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pusong Mapagkandili Ni Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2019
1 min read

Isa, dalawa, tatlo, matiyagang bilangan, paulit-ulit, ngunit, hindi iniinda ang kapagalan.

Pagsapit ng tatlo’y nagpapalakpakan, bawat ngiti’y sinusuklian ng paghagkan.

Apat, lima, anim, matiyagang paggabay.

Sa bagal ng paghakbang, mata’y ‘di nawawalay.

Paningi’y hindi iniaalis maghapon, magdamag.

Bawat lakad, magiliw na kamay ang nagtatatag.

Pito, walo, siyam, bakit kay- bilis ng panahon?

Tila kahapon lamang, sa kama, ako’y tatalun-talon.

Sa iyong mga hita ako’y kumakandong.

Sa iyong tiyan, ako’y gugulung-gulong.

Pagsapit ng sampu, nais bumalik sa isa.

Pagbibilang, nais maulit; nais ibalik ang petsa.

Tila sa kabataa’y ayaw mawalay at mahiwalay.

Nais masaksihan kalakasan ng iyong inakay.

Nais ibalik mga kahapong ako sayo’y nakahilig.

Ika’y nais kayakap, nais damhin iyong pag-ibig.

Ayaw nang mawalay pa sa iyong piling,

init ng yakap, nais damhing muli ng iyong supling.

Ngayong malaki na at tapos nang matuto,

pagbibilang ng isa, dalawa, tatlo, mananatiling nakatatak sa isip at puso, bawat pagtitiyagang sa aki’y ipinako.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page