top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... SINGLE-MOM NA NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG MANLILIGAW NA FOREIGNER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Ako ay single-mom at dalawa ang naging anak ko sa unang naka-live-in ko na hindi ako pinakasalan, sa halip, ‘yung dati niyang girl­friend ang napangasawa niya.

May boyfriend ako nga­yon at ito ang nais kong isangguni sa inyo, kung compatible ba kami? De­cember 1, 1986 ang birth­day niya, pero bukod sa kanya ay may manliligaw pa akong foreigner na isi­nilang noong June 25, 1985.

Sino sa da­lawang lala­king ito ang mas ka-com­patible ko at kung isa na ba sa kanila ang ma­kakasama ko, habambu­hay?

Sa ngayon, pareho ni­lang alam na may anak ako sa pagkadalaga, pero okay lang daw sa kanila ‘yun.

Sa totoo lang, Maestro, ang dami-rami ng pagsu­bok at problema ang du­mating sa aking buhay, kaya sa pamamagitan ng pag-aanalisang ito na ga­gawin ninyo sa aking ka­palaran ay maayos na sana ang kapalaran ko at ma­ging maligaya na ako, lalo na sa love life. January 17, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,

Dianne ng Daang Bago, Dinalupihan, Bataan

Dear Dianne,

Bagama’t, ka-compatible mo ang kasalukuyan mong boyfriend na isinilang noong December 1, 1986 dahil mag­kapitbahay ang zodiac sign mong Capricorn at ang zo­diac sign niyang Sagittarius, masasabing hindi gaanong paborable ang pagsasama ng birth date mong 17 o 8 (1+7 =8) at 1 naman ang boyfriend mo kung saan ang problema, kapwa kayo nagtataglay ng “strong number na 8 at 1” na ngangahulugang bago kayo tuluyang umunlad, lumigaya at yumaman, maraming ma­bibigat na pagsubok at mga probema ang pagdaraanan ng inyong relasyon.

Kaya kung sawang-sawa ka na sa mga naranasan mong mga pagsubok sa bu­hay at manhid na ang kata­wan mo sa hirap at pagsa­sakripisyo, mas mainam at higit mong katugma siyang may weak number na 25 o 7, (2+5=7) at may weak zo­diac sign na Cancer.

Kung saan dahil ang Cap­ricorn na zodiac sign mo ay may elementong earth o lupa, masasabing sa kalaga­yan ng iyong kapalaran, noon ka pa nangangailangan ng “water element” upang ang “earth ele­ment” na umiiral sa iyong karanasan ay magsimula nang umunlad at lumigaya.

Ibig sabihin, sa sandaling nakasama ng Capricorn na tulad mo ang “water type sign” na Cancer na tulad ng manliligaw mong foreigner, walang duda, magkakaroon ng maladramatikong pagba­bago ang iyong buhay na ha­hantong sa pag-unlad at pag­kamit ng magagandang ka­palaran hanggang sa tuluy-tuloy ka nang lumigaya.

Kaya kung papipiliin ka sa dalawang lalaki ngayon sa buhay mo, mas mainam na piliin mo si June 25, 1985, lalo na kung binata siya at walang pamilya upang sa kalagitnaang yugtong ito ng iyong buhay, matupad ang iyong pangarap na makati­kim ng maginhawa at masa­yang buhay-pag-aasawa.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda at kusang mangyayari ang na­sabing pagkakaroon ninyo ng relasyon ni Mr. June 25, 1985 ngayong 2019 o kaya ay sa taong 2020 kung saan sa nasabing panahon, sa edad mong 32, kusa at hindi na maiiwasang mabubuo ang ma­timyas na relasyong hahantong sa maligaya at panghabambuhay ng pag-aasawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page