House party niratrat, 7 nadale
PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos ang insidente ng pamamaril sa house party malapit sa Ball State University sa Indiana, kamakalawa.
Naganap ang pamamaril alas-12:45 ng hatinggabi (local time) kung saan nasugatan ang pito katao at nasa kritikal na kondisyon ang tatlo rito.
Ayon kay Muncie Police Chief Joe Winkle, kabilang sa mga dumalo sa naturang party ang mga estudyante ng Ball State University.
“It was a party with a DJ,” wika ni Winkle. “Evidently, there was some kind of a confrontation inside the house. It turned into a shooting, (and) we’ve got seven gunshot victims,”dagdag pa nito.
Ayon kay Kathy Wolf, vice-president for marketing and communications ng Ball State, walang banta sa campus ang insidente.
“Our campus is safe. The investigation is still ongoing,” ani Wolf.





Comments