Hey, dude, ginamit lang daw vs. sa kalaban ng nagpatakbo sa kanya… SIKAT NA AKTOR, KALAT NANG KUMITA
- Erlinda Rapadas T.
- May 20, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
LABIS na ipinagtataka ng mga taong nakapaligid sa isang sikat na aktor kung bakit hindi man lang daw ito nalungkot nang matalo sa tinakbuhan niyang puwesto sa katatapos na midterm election.
At mukhang hindi nga niya sineryoso ang muling pagpasok sa pulitika.
Hindi lang daw matanggihan ng aktor ang alok na kumandidato siya upang may maipanlaban sa malakas na kandidato na mahigpit na katunggali ng taong nag-udyok na tumakbo siya sa isang mataas na posisyon.
Dati nang natalo ang sikat na aktor nang tumakbo rin noon sa national election. Mula noon, kapag tinatanong siya ng media kung may planong balikan ang kanyang political career, big “NO” ang sagot niya. Napaso na raw siya sa kanyang sad experience noon sa pulitika.
Pero, ikinagulat mismo ng malalapit na kaibigan ng sikat na aktor nang bigla na lamang itong nagdeklara na tatakbo sa isang malaking puwesto sa isang lungsod sa Metro Manila.
Ang siste, hindi naman naramdaman ng mga botante na nag-effort siya nang husto upang manalo. Kaya kahit natalo siya ay dedma at hindi apektado tulad ng ibang talunang kandidato.
Ang duda tuloy ng iba, kumita pa nga raw nang malaki ang sikat na aktor mula sa mga sponsors na sumuporta sa kanya.





Comments