Hapi raw sila ngayon na magkakaibigan… TONI, TODO-THANK YOU NA 'DI NAGING BF SINA VHONG AT LUI
- BULGAR

- May 20, 2019
- 2 min read

PAREHONG na-link si Toni Gonzaga kina Vhong Navarro at Luis Manzano na kasama na niya ngayon sa Home Sweetie Home Extra Sweet kaya naman sa presscon ay natanong ang aktres/TV host kung kanino sa dalawa siya naging close to pagiging dyowa.
Ayon kay Toni, si Vhong ang masasabi niyang naging close niya na nag-borderline sa pagiging dyowa at nag-crossover sa pagiging magkapatid.
“Kasi, si Vhong ang unang naging close ko sa ABS-CBN,” she said.
When asked kung nanligaw ba sa kanya si Vhong, aniya ay hindi, sabay-tanong din sa dancer-TV host-comedian ng “Nanligaw ka ba?”
Hindi naman nakasagot si Vhong at natawa na lang.
Pagri-recall ni Toni, nang una niya kasing nakilala si Vhong ay may girlfriend ito, kaya talagang naging barkada lang daw ang turingan nila.
Hirit naman ni Vhong, “Paano kasi ako manliligaw, nakabantay ang parents mo?” Tawanan.
Dagdag pa niya, “Kasi, hindi ka rin makakaporma noon, eh, dahil sa dami ng nakapila sa dressing room namin na mga manliligaw niya.”
Seriously, ani Vhong, natakot siyang ligawan si Toni dahil baka mabasted siya bukod pa nga sa ayaw niyang masira ang kanilang friendship.
“Inisip ko dati, kung liligawan ko si Tin, parang ayokong masira ‘yung binuo naming friendship, tapos, lagi ko siyang katrabaho. Araw-araw, magkasama kami. Parang hindi maganda kung magiging kami.
“At natatakot din ako, baka kung hindi pala equal ‘yung nararamdaman namin, tapos mabasted ako, ano ‘yung mararamdaman ko, ‘di ba? Tapos katrabaho ko siya.
“So, mabuti na lang na wala na lang nangyaring panliligaw,” paliwang ni Vhong.
Ulit na naman ni Toni, “Saka, may girlfriend talaga si Vhong noong time na ‘yun,” na sinagot naman ni Vhong ng “Naghiwalay din kami, Tin.”
Pagdating naman kay Luis, noon pa naman nila inamin pareho na talagang nagkaroon ng ligawan.
“Pero noong natapos naman ‘yung phase na parang nagkaligawan, naging sobrang kaibigan ko naman siya kasi unang-una sa lahat, si Luis, saka si Alex (her sister), parang sila naman ‘yung magkapatid. Sila ‘yung sobrang nagkasundo nang matagal na panahon na hanggang ngayon, sila pa rin ‘yung magkaibigan.
“Kaya parang win-win situation, kasi talagang sobrang komportable namin sa isa’t isa, walang ilangan. Kaya nga maganda, eh. Buti na lang, hindi ko naging boyfriend si Vhong, buti hindi ko naging boyfriend si Luis, kasi, walang awkward sa amin, lahat kami, happy lang sa set,” paliwanag pa ni Toni.





Comments