'Di lang dahil sa Budots dance, Jinggoy… BONG, GINAWA LAHAT MANALO LANG NA SENADOR
- BULGAR

- May 20, 2019
- 1 min read

MARAMING factors na nakatulong kung bakit pumasok sa Magic 12 si Bong Revilla, Jr.. Hindi lang ang Budots dance moves niya ang nakadagdag ng malaking boto, bagkus ay ang sama-samang effort ng buo niyang pamilya mula kay Bacoor Mayor Lani Mercado, Vice-Governor Jolo Revilla, Bryan Revilla, mga kapatid na sina Andrea Bautista-Ynares (mayor ng Antipolo), Stryke Revilla (congressman) at Marlon Bautista (nanalo sa partylist na 1PACMAN).
Idagdag pa ang libu-libong supporters at prayer warriors na nagdasal para kay Bong.
Noong nakulong sa PNP Custodial sa Crame si Bong, walang tigil ang kanyang mga prayer warriors na nagdasal upang siya ay makalaya. At nang maabsuwelto at tuluyan nang lumaya, ang pagbabalik sa Senado ni Bong ang ipinagdasal naman ng matatagal na niyang supporters.
Nagpakasipag din sa pag-iikot at pangangampanya si Bong na halos lahat ng sulok sa Metro Manila ay pilit niyang inabot at pinuntahan. Isang tagpo at anekdota na hindi namin malilimutan kay Bong na personal naming nasaksihan ay nang pumunta siya sa burol ng dating press photographer na si Fely Igmat, na naging malapit sa kanya noon. Nakita namin ang kanyang pag-iyak sa harap ng kabaong ni Fely Igmat. Tumatak ‘yun sa amin at hindi namin malilimutan.





Comments