top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bilangan ng mga boto, idaan sa manu-mano

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2019
1 min read

IBALIK sa manual counting ang bilangan ng mga boto sa susunod na eleksiyon sa 2022.

Ito ang panawagan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL).

Naniniwala ang Namfrel na ang automated na pagta-tally ng mga boto ang sanhi ng transparency issue.

Mas mahalaga ang transparency kaysa sa layunin ng automated elections na mas mabilis na bilangan ng boto.

Pinakamalala umanong naging problema noong katatapos na eleksiyon ang pitong oras na delayed parallel vote tallies.

Ayon sa Namfrel, hindi katanggap-tanggap ang marami pa ring aberya tulad ng nag-malfunction na vote counting machines (VCMs), depektibong SD cards at Voter Registration Verification Machines.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ang automated elections sa bansa ngunit, pare-pareho pa rin ang naging problema.

Layunin ng automated election na mabilang ang bawat boto ngunit, dahil sa paulit-ulit na mga aberya, tumataas ang tsansa na hindi mabilang ang lahat ng boto.

Kung hindi masosolusyunan ang paulit-ulit na mga problemang ito, paano pa sa mga susunod na halalan?

Ngayon pa lang, dapat nang pag-aralan ng Comelec kung patuloy na gagawin ang automated elections o babalik sa manu-manong bilangan.

Hindi lamang ang bilis o tagal ng pagbibilang ng mga boto ang nakasalalay dito kundi maging ang mga botong nasasayang dahil hindi nabibilang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page