Pinoy nurse, nanalong mayor sa UK
HINAHANGAAN ngayon ang Pinoy na nahalal bilang mayor sa East Grinstead, West Sussex.
Kinilala itong si Danilo Favor, dating opthalmic clinical nurse specialist sa Queen Victoria Hospital at naging deputy mayor noong 2018.
Batay sa impormasyon, nag-migrate si Favor sa UK noong 2000 kasama ang kanyang asawa na nurse rin.
Nakatanggap pa siya ng community service award mula sa Mid-Sussex District Council bago sumabak sa politika.
Bilang opisyal na nanggaling sa propesyong nangangalaga sa kalusugan, nais ni Favor na isulong ang mas aktibong pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa kanilang komunidad lalo na sa gabi.





Comments