top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nancy, mas may ‘K’ daw kesa sa iba… SIGAW NI JV KAY JINGGOY: BITTER!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG tumatak kay JV Ejercito ang sinabi ng kanyang utol na si former Senator Jinggoy Estrada na nag-concede na sa naganap na midterm election dahil hindi siya pasok sa partial-unofficial results ng Magic 12 senators.

Sa naging mahabang mensahe ni Jinggoy, nag­pasalamat siya sa mga tumulong sa kanya sa na­ging eleksiyon at binati rin ang mga kasamahan dati sa Senado at ang mga bagong halal na senador.

Pero ang pinakatu­matak sa lahat ay ang pagpuri ni Jinggoy kay Sen. Nancy Binay at pag­sabing deserve nito ang 12th spot kesa sa iba.

Ani Jinggoy, “Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makaka­tu­long sa ating mga kaba­ba­yang mahihirap. Keep it up!

“You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Con­gratulations my friend.”

Dahil si JV ang nasa 13th spot at kaagawan ni Nancy sa 12th spot, marami ang nag-isip na pa­tutsada ito ni Jing­goy sa kanyang ka­patid sa amang si Manila Mayor Erap Estrada.

Kaya ilang oras pagkatapos mag-concede ni Jinggoy, nag-tweet si JV ng, “I am still… The Good One.”

Ilang oras pa makalipas ay ini-retweet naman ni Ejercito ang tweet ng Twitter user na si Christian Esguerra na nagla­lahad ng “Jinggoy hails Nancy, mocks half-bro­ther JV in battle for 12 spot,” na may link ng balita ng ABS-CBN at nilagyan niya ng “And I am really the Good One...”

Bandang alas-otso nang gabi, nag-tweet uli si JV ng “Bitter”.

Kung matatandaan, ang “The Good One” ang campaign slogan ni JV nang kumandida­tong senador, na tinapatan naman ng kanyang half-brother ng “I’m the better one”.

Bago mag-eleksiyon, sa isang panayam ay ina­min ni JV na posib­leng maka­apek­to sa re­sulta ng kani­lang maku­kuhang boto ang pagka­kasabay nila ni Jinggoy bilang senatorial candidate, at mukhang ito nga ang nangyari kaya pareho silang hindi pina­lad na makapasok sa Top 12 senators.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page