top of page

Madalas na binabangungot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Rhea ng Rhea _Evangelista@facebook.com

Dear Professor,

Madalas akong bangungutin, ‘yung huling binangungot ako ay may nakita akong itim na anino sa gilid ko, tapos, hindi ako makapagsalita, kaya ang ginawa ko, pinilit kong kagatin ang dila ko at paggising ko ay naramdaman ko ang pagkagat ko sa dila ko. May ibig bang sabihin ito? Thank you!


Naghihintay, Rhea


Sa iyo Rhea,

Alam mo, iha, sa likod ng mga bangungot ay may natatagong mensahe na siyang kahulugan ng panaginip habang binabangungot.

Ito ay nagsasabing, ang masamang mga karanasan ay nagbabalik sa iyong buhay. Kaya ang payo sa iyo ay mag-ingat ka.

Sinasabing, noong bata ka pa, nakaranas ka ng hindi maganda sa mas malakas kaysa sa iyo na gustong sirain ang buhay mo.

Puwede ring maulit ang naging kabiguan mo sa love life, kaya ang payo ay umiwas ka sa mga may katangian na tulad sa taong nagbigay sa iyo ng masaklap na kabiguan.

Puwede ring ang nagbabalik na anino ng buhay mo ay ang nagawa mong malaking pagkakamali sa nakaraan na posibleng maulit ngayon kung hindi ka natuto ng aral sa buhay na sana ay nakuha mo nang ikaw ay nagkamali.

Muli, sa likod ng mga bangungot ay ang mga hindi magagandang karanasan ng nanaginip, kaya ang huling mensahe ay nagsasabing, suriin mong mabuti ang iyong nakaraan at alamin mo ang posibilidad na ang hindi magandang pangyayari ay baka muli mong maranasan.

Kapag nagawa mong malaman kung ano ang puwedeng bumalik sa buhay mo, malaki ang tsansa na magtagumpay ka at makaiwas sa bangungot ng iyong buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page