Knows mo ba, Maine? JANE, KUMANTA KUNG BAKIT NAUDLOT ANG RELASYON NILA NI ARJO


NAKAUSAP namin ang bida ng Finding You na si Jane Oineza sa presscon ng latest Regal Entertainment movie offering na showing na sa May 29 sa cinemas nationwide.
Leading man ni Jane sa movie si Jerome Ponce at kasama rin sa cast si Barbie Imperial na present sa presscon, gayundin ang direktor na si Easy Ferrer.
Bago pa naging GF ni Arjo Atayde si Maine Mendoza, unang na-link ang aktor kay Jane Oineza.
Kaya naman nang makausap namin si Jane, tinanong namin siya kung willing ba siyang makatrabaho si Arjo since may ‘past’ nga sila.
Sagot ni Jane, “Ah, oo naman po. Wala naman po sa akin ‘yun.”
Dagdag pa ng aktres, “Magaling siyang aktor and it would be interesting kung ano ang magiging kinalabasan ‘pag nagkaroon kami ng project together.”
Once and for all, naging mag-boyfriend nga ba sila ni Arjo?
Paglilinaw ni Jane, “Hindi naman po umabot sa ganu’n, wala naman pong ganu’n. Busy kasi pareho kaya ‘di umabot sa ganu’n (even sa MU stage).
“Kasi nga po, sa scheduling din, parang naudlot, hindi natuloy,” dagdag pang paliwanag ni Jane.





Comments