Kaya maligayang-maligaya sa piling ng aktor… MGA GINAGAWA SA KANYA NI PAULO, IBINULGAR NG GF


TWO years na pala ang relasyon ni Paulo Avelino at ng Filipina-Australian model na si Jodie Tarasek.
Binati ni Jodie si Paulo sa kaarawan nito at anniversary na rin nila kung saan ay tinawag niya ang boyfriend na “my human.”
Bukod dito, nakakatuwa rin ang pagbabahagi niya ng mga sweetness ng aktor.
“Thank you for being my human. For teaching me that people cannot ruin beautiful things they don’t know about.
“That it’s the little things like letting me tie your hair in pigtails or saving me the last bite of anything without me even asking.
“You’re the epitome of simplicity and humility and I can’t wait to do more of life with you. Happy Birthday my love. And Happy 2 years,” ang post ni Jodie na talaga namang ang daming pumuri at pati si Jake Cuenca ay pinusuan ito.
Simple lang ang reply ni Paulo sa pagbati ng girlfriend. Nag-post lang siya ng dalawang heavy heart exclamation emoji na ang ibig sabihin ay like na like niya ang post.
Matatandaang taong 2017 pa nga nang kinumpirma ni Paulo that he was dating Jodie pero since then ay wala na tayong narinig sa kanya tungkol sa kanyang love life bilang talaga namang malihim siya when it comes to his personal life.
Nakakatuwa na napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon at mukhang seryoso na rin sila.





Comments