Bagets sinaktan ng lolo
Pabs Hernandez III
May 19, 2019
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang 60-anyos na lolo ang dinakip ng pulisya dahil sa pananakit sa isang binatilyo, kamakalawa sa Bgy. Kasanyangan sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Joepakkal Abdul, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Kardo”, 17-anyos, binugbog, pinalo ng kahoy at pinaso siya ng sigarilyo ng biktima sa hindi niya malamang dahilan.
Nakapiit na si Abdul na nahaharap sa kasong child abuse at physical injury.





Comments