top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pak, ganern! BARBIE, NATAMEME NANG MATANONG KUNG PINAGSABAY SILA NI RIA NI JM

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2019
2 min read

‘’Happy ako for them,” ang sagot ni Barbie Imperial nang hingan namin ng reaksiyon sa isyung pagkakamabutihan nina JM de Guzman at Ria Atayde.

“Honestly po, na-meet ko na rin si Ate Ria,” sabi ni Barbie sa presscon ng pelikulang Finding You. “For me, may time na ako mismo ang nagsabi kay Em (tawag niya kay JM) na to stop talking to me na, sabi ko, ‘Kilala ko si Ate Ria, mabait na tao ‘yun.’ Ako, happy ako for them.”

Dagdag pa ng young actress, bukod sa mabait si Ria ay magkalapit pa ang age nito at ni JM.

“So, mas maiintindihan nila ang isa’t isa. Minsan, nakikita ko naman, parang ang nababalita sa amin, okay naman sila. And ‘yun nga, happy ako for them, lalo for him.

“Kung okay man sila ngayon, finally, nahanap na niya. Hindi rin ako selfish. ‘Yun din ang reason kung bakit nag-let go ako, na kailangan ko nang mag-let go kasi minahal ko rin naman ‘yung tao and ayokong mangyari sa kanya ‘yung mga nagawa niya.

“Kasi si Em, ‘pag love sa kanya, iba. Eh, mahal ko siya, siyempre, ayoko na kung ano ang gawin niya, ‘di ba?” pahayag pa ni Barbie.

Pero hindi nakasagot ang young actress nang mata­nong kung hindi ba nagka­roon ng overlap sa kanila ni Ria at tumawa na lang siya.

Matatandaang inamin naman nilang pareho sa Tonight with Boy Abunda na nag-date sila although both of them were saying na hindi naman naging sila. It could also be recalled na nagkasama sila sa seryeng Araw Gabi at dito nga sila nagsimulang maging close at ma-develop sa isa’t isa.

Samantala, happy si Barbie na na­kasama siya sa pelikulang Finding You with Jerome Ponce and Jane Oineza. Ito raw kasi ang first movie niya kung saan ay marami siyang dialogues. Sa mga past movies daw kasi niya ay dina­daanan lang siya ng camera.

Showing na sa May 29 ang Finding You mula sa direksiyon ni Easy Ferrer under Regal Entertainment, Inc.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page