Int’l crime gang, nabuwag
NABUWAG ng European Police agency ang international crime gang na gumagamit ng malware para magnakaw.
Napag-alaman na mahigit 40,000 na ang nabiktima ng grupo sa buong mundo.
Modus ng naturang grupo ang paggamit ng GozNym malware sa mga computer para mapasok ang bank accounts ng mga biktima.
Ang mga biktima ay mula sa US, Bulgaria, Germany, Georgia, Moldova at Ukraine.
Nasampahan na ng kaso sa Pittsburg ang 10 miyembro ng grupo habang ang limang Russian nationals ay malaya pa rin.





Comments