top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Mayo 18, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 18, 2019 (Sabado): Huwag kang matakot na maki­pagsapalaran sa ibang bansa. Lakasan mo ang iyong kalooban dahil ito mismo ang sikreto sa katuparan ng iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong ma­yamang imahinasyon para sa pagpapaunlad ng kabu­hayan. Huwag na huwag kang tumutok sa mga bagay na wala kang ma­papala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagba­ba­lita ang araw na ito na darami ang mga ma­gagandang kapalarang gustong manatili sa iyo. Huwag mong kaligtaang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Kung ano ang matu­wid at tama, roon ka! Kung saan baluktot ang katwiran at mali ang pa­nanaw, huwag mo itong layasan. Sundin mo ito at makikita mong ma­giging maayos ang iyong buhay. Masuwer­teng ku­lay-green. Tips sa lotto-3-18-28-30-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang mabu­hay sa pag-iisa at kalungkutan. Ang mundo ay malawak sa ma­raming oportunidad na naghihintay sa mga na­nga­ngarap. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-18-22-27-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bu­bukas ang pin­tuan ng grasya sa la­ngit. Ibina­balita ng iyong kapalaran na ito ay sa iyo nakatapat. Ihanda mo ang iyong sa­rili sa malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lot­to-19-20-29-31-34-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-ingat ka sa mga panga­kong walang laman. Ang mga ito ay magmumula sa mga ta­ong mabibilis magsalita na halos hindi ka na ma­kapagtanong. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-15-22-24-39-40-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangang tanggapin mo na rito sa mun­do, may nabibigo at nag­tatagumpay. Ikaw na na­bibilang sa una ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na sa huli ay magtatagum­pay ka rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-21-23-25-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kaila­ngan mo. Puwede mong bagalan ang mga pagkilos mo at mas lalong maganda kung magkaka­roon ka ng ilang sandali na ikaw ay walang gina­gawa na kahit ano. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-24-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ito ay ang labis na pagtitiwala sa sarili dahil ito ang por­mula ng tagumpay na nag­sasabing, dapat ay maging positibo ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-23-25-38-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malung­kot sa nawala. Ang mas maganda ay ang masaya habang hinihin­tay ang tiyak na pagdating ng mga suwerteng kaila­ngan mo ngayon. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-13-20-28-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo mapipigilan ang mabilis na pagpaplano na mamas­yal at mas lalong hindi ka ma­aawat na lumabas ng ba­hay. Ang mga ito ay gawin mong panlaban sa lung­kot. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-19-20-25-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isama mo ang masayahin at iwanan mo ang malulung­kot. Ito ang iyong susi para ang mga suwerte ay gumu­hit sa iyong kapa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-26-35-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page