Hirit ng netizen, mga babae, kaya nababastos dahil sa suot… IVANA, WA' PAKI, NAKA-P*KPEK SHORTS
- BULGAR

- May 18, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

SOBRA ang pag-alipusta ng netizen na nagngangalang Richard Lacaba Rendora hinggil sa babaeng nakasuot ng sobrang igsing shorts na kung tawagin ay “p*kpek shorts.”
Aniya sa kanyang post, kaya raw maraming babaeng nababastos at nagiging dahilan ng kanilang kapahamakan ay dahil sa kanilang kasuotan. Wala raw pinipiling lugar ang babae sa kanyang suot.
Kinunan pa ng larawan ng netizen ang nasabing girl kung saan nakasakay ito sa pampasaherong jeep.
Hindi naman nakaligtas sa isang netizen na si @Russelle ang pambabatikos ng nagngangalang Richard.
Ipinagtanggol niya ang kabaro na dapat pa rin daw ay irespeto ng guy ang babae anuman ang kasuotan nito.
Binanggit din ni @Russelle na ang tinutukoy ng guy ay ang baguhang aktres na si Ivana Alawi (isa sa cast ng Sino ang May Sala?) na napapanood sa Kapamilya Network.
Maging ang ibang netizens ay nakisali na rin sa palitan ng mensahe nina Richard at Russelle.
Anila: “‘Wag mong isisi sa kababaihan ang kahalayan ng pag-iisip mo, kuya. May malisya ka kasi.
“Kahit anong isuot ng babae, mababastos pa rin. Nabalitaan mo ba ‘yung ni-rape na baby? Dahil din ba ‘yun sa kasuotan n’ya?”
“Kung talagang concerned si Manong, sana, binigyan niya ng balabal si Ivana pang-cover sa legs kesa kinuhanan niya ng picture at ipinost pa niya!”
“You made your point Sir but does it make you feel better? Or does it make you a better person than her?”
Alam kaya ng sexy actress na pinagtatalunan ng mga netizens ang pagsusuot niya ng p*kpek shorts o wa’ lang siya ker (care) sa kanila dahil bising-bisi siya sa taping ng umaalagwang teleserye nila nina Bela Padilla, Tony Labrusca at Jodi Santamaria?





Comments