Bagong senador, 'di raw alam ang gagawin sa Senado… PACQUIAO KAY BATO: PUWEDE KANG MAG-ARAL NG 1
- BULGAR

- May 18, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS mag-trending ang naging pahayag ni former Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa CNN, kung saan tinanong siya kung ano ang una niyang gagawin sa Senado, na sinagot niya ng, “Meron bang seminar diyan o ano bang training diyan para matutunan ko ‘yung paano gawin ‘yung batas. Ano ba ang mga trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganu’n, I will take that opportunity para matuto ako,” sa unang press conference ng PDP-Laban pagkatapos ng election 2019, dinepensahan ni Sen. Manny Pacquiao ang bagong senador.
Sinabi rin ni Sen. Pacquiao na handa siyang i-share ang mga kaalaman niya tungkol sa Senate works kay Bato, na pasok sa Top 12 senators.
Aniya, “Hindi naman sinabi natin walang alam si Bato. May alam siya pero ang ibig siguro niyang sabihin ‘yung proseso ng Senado, ‘yung rules ng Senate.”
Dagdag pa niya, “Kung mag-ask sila about sa alam ko sa proseso sa Senado, kung ano ang alam kong mai-share ko sa kanila, July pa naman sila mag-start, puwede pa silang mag-aral ng isang linggo, dalawang linggo.”
Ayon kay Manny, puwede ring gawin ni Bato ang ginawa niyang pag-aaral sa Development Academy of the Philippines.
Samantala, iba-iba naman ang naging komento rito ng mga netizens kung saan natawag pang “genius” si Manny at sinabihan pa ng ilan na nagmamarunong daw sa Senado.
May ilan din ang nagsasabi na mas marami raw alam ang bagong senador kesa kay Pacquiao dahil sa educational background nito, kung saan nakatapos na siya ng Ph.D. sa University of Southeastern Philippines sa Davao City noong 2006.
Sey naman ng iba, nagpapaawa lang ang dating PNP chief at “nagtatanga-tangahan” para makuha ang simpatya ng mga Pinoy.





Comments