6 kelot timbog sa 6 boga
- Pabs Hernandez III
- May 18, 2019
- 1 min read
MASBATE—Anim na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng anim na baril, kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Badiang, Cataingan sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Diomedes Amaroto, Remson Metante, Walter Malacaste, Alvin de Leon, Romnick Alforon at Vicente Mandal, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na lulan ng van ang mga suspek nang mapadaan sa police checkpoint at dito nakumpiska ang nasabing mga armas.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang sinampahan ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comelec gun ban.





Comments