top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Wanted na ex-cop nasakote

Pabs Hernandez III
May 17, 2019
1 min read

OLONGAPO CITY—Isang wanted na dating pulis na may kasong pagpatay ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. West Bajac-Bajac sa lungsod na ito.

Ang suspek ay nakilalang si ex-Pat. Eliaz Gamboa, nakatira sa naturang lungsod.

Nabatid na si Gamboa ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong pananaksak at pagpatay sa kanyang live-in partner na si Victoria Pangilinan sa Maynila.

Hindi naman nanlaban si Gamboa nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page