HOROSCOPE | Mayo 17, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 17, 2019 (Biyernes): Kahit pa magkamali ka sa mga desisyon mo sa buhay, makaaasa ka na kikilos ang iyong kapalaran para gumanda ang iyong kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa bituin na ang pangalan ay Bituin ng Kasaganahan. Dahil dito, guguhit sa kapalaran mo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang mapasasakamay mo. Iwasan mong matulad sa sinuwerte, pero dahil sa sobrang saya ay halos inubos ang lahat sa ibang tao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-13-19-20-25-33.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang mag-alala, hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran, palaging mag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang mga oportunidad na sa iyo ay magpapaunlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-25-39-41-46.
CANCER (June 21- July 22) - Mananalo ka, pero ang sikreto, kailangan mong malaman at sundin ang nagsasabing, magsuot ka ng bago at ang ganda mo ay mapapansin ng mga makakakita sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-22-28-35-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hihinto nang biglaan ang pagdating ng iyong mga suwerte. Huwag kang mabahala dahil sa muling pagkilos sa ibang larangan ng buhay ay magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-18-25-34-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kislap ng magagandang kapalaran ang makikita sa iyong mga mata. Puwede ka ng magsaya at magdiwang dahil ginagarantiyahan na lubos na magagalak ang puso at damdamin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-24-30-33-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-iisip ka ba na lumipat ng tirahan? Tama ang iniisip mo, pero ang mali ay kung ngayon mo ito gagawin. Maghintay ka ng magandang pagkakataon para ikaw ay buwenasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-28-30-32-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bantayan mo ang iyong sarili, ito ang payo para makaiwas ka sa mga biglaang pag-atake ng karamdaman. Mas maganda ang maingat kaysa sa lumalabis ang tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-27-38-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Rito sa mundo lahat ay nagbabago. Kaya huwag kang magtaka kung magkaroon ng pagbabago sa paraan mo ng pagpili sa kung ano at sino ang dapat mong mahalin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-24-25-36-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabigat ba ang pakiramdam mo, akala mo ba ay magkakasakit ka? Ipanatag mo ang iyong kalooban, ito ay senyales na may mabigat at malaking suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-25-35-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo ang sobrang bilis na pagkilos at pag-iisip. May malaking tsansa na makagawa ka ng pagkakamali, pero mabilis mo rin itong maitutuwid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-23-31-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal na suwerte ang mapasasakamay mo. Magugulat ang marami dahil akala nila ay wala kang buwenas ngayon at ang mga lihim mong kaaway ay sobrang maiinggit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-14-18-23-30.




Comments