BUKIDNON ‘DI PINAPORMA ANG TRINITY SA D-LEAGUE
- BULGAR

- May 17, 2019
- 1 min read

PINASADSAD ng Valencia City Bukidnon-San Sebastian ang CD14 Designs -Trinity, 105-82, upang sumalo sa Centro Escolar University sa pamumuno sa Foundation Group kahapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Pinangunahan ni Allyn Bulanadi ang naturang panalo ng Golden Harvest makaraang tumapos na may 28 puntos, 6 rebounds, 3 steals at 2 assists, kasunod si JM Calma na may double-double 16 puntos at 11 rebounds.
Ang nasabing panalo ang pang-apat na sunod ng Golden Harvest na nagtabla sa kanila sa Scorpions sa no. 1 spot ng kanilang grupo hawak ang parehas na kartadang 7-1, panalo-talo. “Ang sa amin, ang focus namin is one game at a time. May opportunity sa top spot at dahil doon, na-motivate ang mga bata, so why not?” pahayag ni coach Egay Macaraya.Nanguna si Clark Derige para sa winless na CD14 Designs-Trinity (0-9) sa iniskor na 22 puntos at 5 rebounds.Sa sumunod na laro, nakatikim na rin sa wakas ng panalo ang Family Mart-Enderun College matapos igupo ang AMA Online Education, 116-94. (VA)





Comments