BUCKS, PINAKABOG AGAD ANG RAPTORS


NAGPAKABOG agad si Brook Lopez nang umiskor ito ng playoff-career-best 29 points at sumunggab ng 11 rebounds nang umalagwa nang husto ang Milwaukee Bucks sa 4th quarter upang talunin ang bumibisitang Toronto Raptors, 108-100, kahapon sa opening game ng NBA Eastern Conference Finals.
Dumagdag si rookie Giannis Antetokounmpo ng 24 puntos at 14 reounds para sa Bucks na magho-host ng Game 2 sa Biyernes. Bumanat si Malcolm Brogdon ng 15 puntos para sa Bucks, habang si Nikola Mirotic ay may 13 puntos may 11 puntos si Khris Middleton at 11 rebounds.
Nasayang ang pamamayani ni Kawhi Leonard sa 31 puntos at 9 rebounds para sa Raptors, may binakas si Kyle Lowry ng 30 puntos, si Pascal Siakam ay may 15 puntos habang si Marc Gasol ay may 6 puntos at 12 rebounds.
Nakatrangko agad ang Bucks ng 13 puntos sa unang quarter, umiskor ng unang 8 puntos pagsapit ng 4th quarter at lumamang ng isa.
Nakaalagwa ng 3 puntos makaraan ang tres ni Middleton sa nalalabing 7:50 minuto, nakalamang ng 5 mula sa running dunk ni Brogdon sa natitirang 6:33 minuto.
Ipinatas pa ng Raptors ang laro sa 98 mula sa tres ni Lowry sa natitirang 4:02. Bumira ng dalawang libreng tira si Leonard at ilagay sa kalamangan ang Toronto sa 2 puntos sa natitirang 3:31 minuto.
Isang puntos ang inilamang ng Bucks mula sa steal ni Middleton at dunk ni Lopez, namayani sa 4 puntos matapos ang tres ni Lopez sa 1:55 minuto na lamang.
Dalawang libreng tira ang sinwak ni Eric Bledsoe para umalagwa sa 6 puntos na kalamangan sa natitirang 42 segundo, salamat sa dalawang free throws ni Middleton para sa bentaheng 8 puntos. (MC)





Comments