TALITHA KOUM VS. ERIK THE VIKING

NAKATAKDANG magkaharap ang mga piling kabayo sa pag-alagwa ng “Additional One Win In Group Races” ngayong gabi sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito, lalarga ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at ang paboritong Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1, ipinapatok ang Casino Royale at makakalaban ang Angel Brulay na umpisa ng WTA.
Nakakalamang ang Amazing Cole habang ang Sunday Surprise, Puso sa Paraiso at Golden Class ang posibleng makakalaban sa Race 2 na simula ng Pick 6.
Sa Race 3, magkakalaban ang Oktubre Katorse, Sky Rocketing at couple entry na Money For Shelltex at Money For Tony sa kanilang tagpo sa 3 Year Old Group Race Merged (6-7) na umpisa ng Pick 5.
Labanan ng mga kalahok na Gonzee’s Bet, All Heart, Peppery at Solar Boost sa 3 Year Old & Above maiden race na umpisa ng Pick 4 sa Race 4.
Sa Race 5, nakalalamang sina Talitha Koum at Erik the Viking sa Group Race Merged (6-7) at pinagpipilian na isama sa Trifecta at Quartet sina Morning Breeze at Fire Council.
Labanang umaatikabo ang magaganap sa Race 6 at pinapaboran ang Kapangyarihan ni BC. Niles Jr, laban sa Atinkupung Singsing at Mabalor sa Condition Race (21).
Sa huling karera sa Race 7, ipinapatok ang Manila Boy habang ang Facing Dixie ang makakalaban ng mahigpit, isama sa talaan ng inyong tatayaan na Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang Speak Easy at couple entry na Cole is Bright at Bowties and Charms. Tip ni Mang Ding:
Race 1- Casino Royale (3) Angel Brulay (7)
Race 2- Amazing Cole (1) Golden Class (6)
Puso sa Paraiso (4) Race 3- Oktubre Katorse (1) Sky Rocketing (3) Race 4- All Heart (1) Gonzee’s Bet Race 5- Talitha Koum (1) Erik the Viking (5) Race 6- Kapangyarihan (6) Atinkupung Singsing (3) Race 7 Manila Boy (11) Facing Dixie (1)





Comments