Pinalitan ni Sue… JESSY, 'DI NA KINUHA ULI BILANG KOREAN TOURISM AMBASSADOR


PINALITAN ni Sue Ramirez si Jessy Mendiola bilang Korean Tourism Ambassador sa Pilipinas. Naging KTO Ambassador si Jessy for three years at nu’ng 2016 ay si Sue na ang pumalit sa kanya.
“Eh, nu’ng natapos na po ang contract ni Ate Jessy with KTO (Korean Tourism Organization), they looked for another, ‘yung puwede pong maging Korean Tourism Ambassador. So, I’m very lucky to have been chosen,” proud na tsika ni Sue sa presscon ng latest film niya titled Sunshine Family showing on June 5, 2019.
Hindi na raw ni-renew ng KTO si Jessy bilang ambassador nila after three years.
“Ako po, pang-third year ko na now. So, malapit na rin po ako,” lahad ni Sue.
Kabilang sa mga responsibilities niya bilang KTO Ambassador ay i-represent sila every time na may event ang Korea at need niyang mag-perform.
“At ang pinakamalaki ko pong responsibility I think na pinakamadaling gawin for me kasi, ang mga Pilipino, napakahilig na po natin talaga sa lahat ng klase ng Korean — K-pop, K-drama, K-beauty, K-skin care, lahat-lahat ng Korean. So, sobrang dali ng work ko for Korean Tourism Organization dahil ang kailangan ko lang i-promote ay ang tourism ng Korea dahil they’re already loved by the Filipinos.”
Dahil din sa pagiging KTO Ambassador niya kaya siya ang kinuha para sa first partnership sa paggawa ng pelikula ng Spring Films at ng Korean studio, ang FILM LINE Pictures Productions LTD, ang Sunshine Family na idinirek ng Korean director na si Kim Tai Sik.
Halos one month daw nag-shoot si Sue sa Korea kasama ang iba pang bida ng Sunshine Family na sina Noni at Shamaine Buencamino at Marco Masa.
During the shoot nila sa Korea, ‘di raw nakadalaw sa kanya ang boyfriend niyang si Joao Constancia. At hindi pa rin daw niya naikot ang buong Korea kaya ‘di pa rin niya nararating ang Jeju island.
“Assistant ko po na si Monica ang kasama ko. May mga trabaho po na kailangan kong gawin at tapusin,” paliwanag ni Sue.
Sa tatlong beses na pagpunta niya sa South Korea, ‘di pa raw niya nakasama si Joao. But definitely, gustung-gusto niya na makasama ang kanyang dyowa sa South Korea.
“Oo naman po. ‘Yung plus one ko po kasi na included sa contract ko with them, kailangan may work din po ako noon. Kaya kailangan ang kasama ko, ‘yung assistant ko po. Kapag trabaho po, hindi ko po siya (Joao) masyadong kailangan. Kailangan ko po ‘yung assistant ko talaga.”
Wish din ni Sue, pagbalik niya ng Korea ay makita na niya nang personal ang favorite Korean star niyang si Kim Soo Hyun, bida sa Korean serye na My Love From the Other Star.
“Kalalabas lang niya ng army kaya baka ito na ‘yung chance na makita ko siya nang personal,” kinikilig na sabi ni Sue.
Tinanong si Sue ng isang manunulat kung sino ang pipiliin niya between Kim Soo Hyun at Joao, at sabi niya, “Joao siyempre. Hahaha!”
‘Yun na!





Comments