Papua New Guinea, niyanig ng Magnitude 7.5
NIYANIG ng Magnitude 7.5 na lindol ang Papua New Guinea, Martes ng gabi.
Nabatid na ang pagyanig ay may lalim na 10 kilometro at naganap alas-8:58 ng gabi.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang pagyanig 55 kilometro sa pinakamalapit na siyudad ng Kokopo sa New Britain Island at 787 kilometro mula sa kapitolyo ng Port Moresby.
Unang nagbabala ang Pacific Tsunami Warning Center ng ‘hazardous’ tsunami waves na posibleng tumama sa coastal areas ng Papua New Guinea ngunit, binawi rin ito.
Karaniwan ang lindol sa bansa na bahagi ng tinatawag na Pacific Ring of Fire at hotspot sa seismic activity dahil sa kiskisan sa pagitan ng tectonic plates.
Matatandaang, noong Disyembre tumama ang Magnitude 6.8 na lindol sa bansa.





Comments