Maynilad nag-aalok ng libreng septic tank cleaning ngayong Mayo
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Para sa mga katsika natin na naninirahan sa Caloocan, Malabon, Navotas, Quezon City, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Cavite, good news ang hatid sa inyo ng Maynilad Water Services, Inc.!
Dahil ngayong Mayo ay magbibigay ng libreng serbisyo ang Maynilad para malinis ang inyong mga septic tank! Ang mga Maynilad customer na nakatira sa Barangays 19 to 22, 28, 38 hanggang 46, 133 hanggang 135, 140 hanggang 149 sa Caloocan; Baritan, Bayan-bayanan, Catmon, Concepcion, Maysilo, Muzon at Niugan sa Malabon; Bagumbayan North, Bangculasi, Daanghari, Navotas East, Navotas West, Sipac-Almacen at Tangos sa Navotas at Bagong Silangan, Batasan Hills, Capri, Commonwealth at Holy Spirit sa Quezon City ang maaaring maka-avail ng cleaning service na kadalasang presyo ay Php4,000 per truck! Ang laking tipid, ‘di ba?
Hindi lang ‘yan, makakakuha rin ang mga taga-Almanza Uno at Dos, Pamplona Uno-Tres at Pulang Lupa Uno at Dos sa Las Piñas; Bayanan, Poblacion at Sucat sa Muntinlupa; Baclaran, Don Bosco at Santo Niño sa Parañaque; Habay I, Ligas III, Molino I at San Nicolas III sa Bacoor, Cavite; Barangays 6, 10-A at 10-B, 13, 23, 38, 42-M, 44, 45-M at 46 sa Cavite City; Bayan Luma III, IV at VI, Bucandala II at Malagasang II-A, II-B, II-D hanggang II-G sa Imus, Cavite at Toclong sa Kawit, Cavite.
Ang septic tank cleaning na ito ay kasama sa sanitation program ng Maynilad at para maiwasan ang polusyon na napupunta sa ating mga ilog. Sinabi ni CEO Ramoncito S. Fernandez na mag-avail ang lahat ng Maynilad customer para maprotektahan ang kanilang kalusugan at kapaligiran.
Para sa mga katsika nating interesado sa pagpapalinis ng kanilang septic tank ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 o bisitahin ang kanilang website sa www.mayniladwater.com.ph at social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: MayniladWater).
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments