Holdaper tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
May 16, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang holdaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Quinale, Calabanga sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Francisco Sta. Ana, Jr., nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Sta. Ana, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments