Anak ni Marcos, wa' raw 'K' sa Senado… HIRIT NG MADLANG PIPOL: AGOT, BITTER KAY IMEE DAH
- BULGAR

- May 16, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

SADYANG prangka lang at straightforward ang aktres na si Agot Isidro. Umapela siya sa sinabi ni Imee Marcos (nasa number seven ng partial and unofficial tally ng senatoriables) na bigyan ng chance ang Marcos family.
Tweet ni Agot para sa statement ni Imee, “NOT A CHANCE” with matching thumbs down emoji.
May mga netizens na pabor sa reaksiyon ng beteranang aktres, pero ang iba nama’y hindi. Anila, sourgraping lang daw si Agot dahil natalo ang kanyang mga ineendorsong kandidato, lalo na ang BF niyang si Florin “Pilo” Hilbay na tumakbo ring senador.
Anyway, tapos na ang eleksiyon, kaya sana ay magkasundu-sundo na lang at tanggapin ang mga senador na pumasok sa Top 12.
Hindi na maibabalik ang mga nakaraan na. Ang kailangan ng mga Pilipino ay ang pagkakaisa para sa ikasusulong ng bansang Pilipinas.





Comments