2 tulak tiklo sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- May 16, 2019
- 1 min read
PAMPANGA—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tabun, Angeles City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Sadam Ali at Amir Mangray, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments