top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sundalo ligtas sa kamatayan

Pabs Hernandez III
May 15, 2019
1 min read

ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang nakaligtas sa kamatayan nang hindi tamaan ng bala nang barilin ng tatlong armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Paradise, Diplahan sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Army Sgt. Nemetz Braganza, nakatalaga sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nakasakay sa kanyang motorsiklo si Braganza nang barilin ng mga suspek na nakilala sa mga alyas Natan, Nonoy at Dadoy, pero hindi tinamaan ng bala nang makatakbo at makapagtago.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page