top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SSS, P30.5-B ang inilabas na salary loan noong 2018

  • Thea Janica Teh
  • May 15, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ipinahayag ng Social Security System (SSS) na mahigit Php30.5 bilyong salary loan ang inilabas noong 2018 sa halos 1.8 milyong miyembro nito.

Binanggit ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na tumaas ito ng 5.3% kung ikukumpara noong 2017. “Masaya kaming maraming miyembro ang nakinabang sa kanilang salary loan para magamit sa kanilang pangangailangan”, saad niya.

Sa total releases noong 2018, ang 166,000 o 9.22% ng 1.8 milyong loan ay inilabas sa Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Card. Halos triple ang laki mula sa 55,835 record noong 2017.

“Over the year, nakita nating marami ng miyembro ang gumagamit ng quick card o electronic dahil mas pinabilis ito at hindi kailangan pang hintaying i-deliver ang tseke. Napagdesisyunang mas lalo pang pagandahin at palawakin ang ganitong programa. Ito ay para madagdagan ang kiosk sa buong bansa.”

Sa ngayon, may additional 10 branches na ang UBP Quick Cards kiosks kabilang ang Cubao, San Francisco del Monte, Marikina at Binondo. Samantala, mula noong 2015 ay bukas na ang mga kiosk sa Diliman, Makati-Gil Puyat, Pasig Shaw, Makati-Ayala, Kalookan, Mandaluyong, Manila, Alabang, Bacoor, Biñan, Dagupan, Baguio, Cebu, Iloilo, Davao at Cagayan de Oro.

Para sa mga miyembrong gustong magpasa ng aplikasyon sa salary loan ay maaaring magpasa ng personal sa lahat ng branches na may available UBP on-site kiosk. 3-5 working days lamang ang process at papasok na agad ang loan sa kanilang account. Maaari itong i-withdraw sa MegaLink, BancNet at Expressnet automated machines.

Paalala lang din ng SSS na magbayad on time para hindi mabigyan ng penalty at hindi ibawas sa final claim ng kanilang retirement.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page