top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Palpak na Misyon Ni Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2019
1 min read

Siguro’y ayos lang ito,

ngunit, pagkukunwari’y sinusubukan.

Tila mababaliw at mawawala sa katinuan,

kung hindi yuyuko, tiyak na mapuputol.

Isang misyong muling nabigo dahil hindi makuha ang gusto.

Magdamag na nagsisiyasat, mga anino sa kalsada’t daan

sa iyo’y magpapaalala ng kabiguan.

Paghabol sa malabong ilaw,

mga kasinungalinga’y

kaysarap pakinggan,

nu’ng sinabi ang pakikipagkaibigan.

Sa mata’y hindi maikukubli,

ika’y hindi na muling masisilayan.

Ang durog na puso’y hindi na mabubuo,

ngunit, pagkukunwari’y maaaring gawin.

Lahat ng kalungkuta’y dumadaloy sa ugat.

Misyon ay muling nabigo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page